Pag-aaral o Trabaho
Sa pagpasok ng pandemya sa ating bansa biglang nag iba ang takbo ng ating buhay isa na rito ang ating edukasyon. Ginawan ng paraan ng ating gobyerno upang maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral. May programa ang gobyerno na isinagawa tulad nalang ng modular at online class.
Hindi madali para sa mag-aaral, guro at lalo na sa mga magulang ang sitwasyon na hinaharap nila sa bagong programa ng edukasyon, gayunpaman may mga mag-aaral na nakapaghinto dahil hindi na kaya ang hirap na dinanas, lalong lalo na sa may mga lib-lib na lugar na walang gaanong signal kung may online class na gagawin pero may mga mag-aaral din na disididong makapagtapos at kahit anong hirap na dinanas ay pinipilit parin nila na makapag-aral upang makamit nila ang kanilang mithiin.
Sa sitwasyon ngayon sa edukasyon lalo na sa online class isa ako sa mga mag-aaral na nasiyahan sa programang ito dahil habang ako ay nag tatrabaho nabigyan rin ako ng oportunidad na makapag-aral. Sapagkat, alam naman natin na hindi panghabang buhay ang programang ito kaya labis ang aking panghihinayang kung darating na ang araw ng face to face classes, gugustuhin ko man makapagtapos ng pag-aaral pero mas pipiliin ko ang aking trabaho dahil mayroon na akong pamilya na binunuhay. Nakakapanghinayang mang isipin pero kailangan ko itong tanggapin. Isa ito sa mga rason kung bakit nawalan ako ng ganang mag-aral at hindi na naging aktibo at hinahayaan na ang mga aktibidad na maabotan ng deadline. Kaya ang minumungkahi ko sa pamahalaan ay sana magawan o bigyan ng programa na makapag tapos kami ng pag-aaral na hindi maapektohan ang aming trabaho kaming mga may pamilya at manggawa na ang gustong makamit ay makapagtapos ng pag-aaral.
Comments
Post a Comment